Pagsusuri ng
Koridong Ibong
Adarna
I.
Kaligirang Kasaysayan ng Koridong Ibong Adarna
Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong
pamagat ay
Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng
Magcacapatid na Anac
nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang
Berbania. Walang tiyak
na petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor nito,
bagaman may ilang naniniwala
na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw
ni Jose de la Cruz. Si
Huseng Sisiw, ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo
umano kay Francisco
Balagtas kung paano sumulat ng tula.
II.
Pagkakaiba ng awit at korido
Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at
anyo: 1. Mabilis
ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit 2. Ang
korido ay may walong
pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa
"allegro", samantala ang awit ay may
labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng
gitara o bandurya "allegro" 3.
Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig
samantala sa korido ang
ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang
napapaloob dito
Mga Halimbawa ng Korido: Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Don
Juan Teñoso,
Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang Alimango,
Bernardo Carpio ni Jose de la
Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe
Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay
na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas
Mga Halimbawa ng Awit: Florante at Laura ni Francisco
Balagtas, Buhay ni
Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na
Kaharian ng Francia ni Jose
de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe
Igmidio at Prinsesa Clariana.
III.
Pagsusuri
A. Angkop ba ang pamagat?
Masasabing kong angkop ito dahil una sa lahat, ito ang gamot
sa sakit ng hari
ng Berbanya. Pangalawa, ito din ang pilit na pinagpunyagihan
ng magkakapatid na
hanapin upang hulihin. Ito din ang naging suri upang mahayag
ang kataksilan nina
Don Pedro at Don Diego, ito din ang nagpatunay na si Don
Juan ang tunay na
nakabihag sa kanya. Samakatuwid, ang ibong Adarna ang naging
susi upang
malaman ang tunay na karapat-dapat sa trono ng hari.
B. Tagpuan
Sa tahimik at masaganang Kaharian ng Berbanya.
C. Tauhan
Si Haring Fernanado na isang mabait na ama at makatarungang
hari ng
Berbanya, si Donya Valeriana na asawa ni Haring Fernando na
isang mabuti at
ulirang ina sa kanyang tatlong anak. Si Don Perdo na isang
sakim at masamang
kapatid tulad ni Don Diego na isa ding taksil at sakim na
kapatid kay Don Juan. Si
Don Juan naman ay mabuti, mapagmahal at maawaing anak,
kapatid at kapwa sa
iba. Siya’y may busilak na puso. Si Haring Salermo na isang
masama at mahilig
manubok na hari sa kanyang kapwa at mga nasasakupan, ang
kanyang anak
namang si Donya Maria na isang maawain at makapangyarihang
dalaga. Si Donya
Leonora na isang tapat at maawaing kasintahan kay Don Juan.
Si Donya Juana na
isang maganda at maawaing babae. Ang ermitanyo na may iba’t-ibang
katauhan na
naging matulungin kay Don Juan at higit sa lahat, ang Ibong
Adarnang kaakit-akit
ang kaanyuan at tapat na saksi sa mga kataksilan ng
magkapatid na Don Pedro at
Don Diego.
D. Buod
Noong unang panahon sa kaharian ng Berbanya, may isang
haring
nagngangalang Haring Fernando na dinapuan ng isang
misteryosong sakit na
pawang isang mahiwagang ibon lamang ang makakapagaling. Sa
paghahanap ng
tatlong anak ng hari sa Ibong Adarna, ang dalawa sa kanila
ay naging bato, sina
Don Pedro at Don Diego samantalang ang bunso namang si Don
Juan ay
nagtagumpay sa paghuli sa ibong ito ngunit ang kanyang
dalawang kapatid ay
pinagtaksilan siya sa kabila ng pagliligtas ni Don Juan sa
kanila sa pagiging bato.
Ngunit nabunyag din ang katotohanan na si Don Juan ang tunay
na nakabihag sa
naturang ibon. Ngunit dahil sa ginawang pagpapakawala ng
dalawang taksil na
kapatid ni Don Juan sa Ibong Adarna, napilitang umalis si
Don Juan at magtungo sa
Kabundukan ng Armenya at doon niya natagpuan ang magkapatid
na sina Donya
Juana at Donya Leonora. Ngunit muling nagtaksil ang kanyang
dalawang kapatid at
hinulog si Don Juan sa balon at pilit na pinakasalan ni Don
Diego si Donya Juana
habang si Donya Leonora naman ay nanatiling naghihintay kay
Don Juan. Sunod na
tumungo si Don Juan sa Reino De Los Cristal at dito niya
natagpuan si Donya Maria
at ang ama nitong nagbigay ng maraming pagsubok. Sa huli,
tumakas ang dalawa
at nagtungo si Don Juan sa Berbanya nang mag-isa. Nang
maglaon, nakalimutan ni
Don Juan si Donya Maria na kanyang iniwan sa isang nayon. Sa
mismong araw ng
kasal nina Don Juan at Donya Leonora, dumating si Donya
Maria bilang Emperatris
at ipinaalaala ang kanilang wagas na pagmamahalang tila
nalimot ni Don Juan.
Naalala ni Don Juan si Donya Maria at pinakasalan ito at
namuhay silang masaya at
masagana sa kahariang kanilang nakamit.
E. Banghay
1. Simula:
Sa kaharian ng Berbanya, may isang haring nagngangalang
Haring
Fernando na dinapuan ng isang misteryosong sakit na pawang
isang mahiwagang
ibon lamang ang makalulunas. Bago nito, makailang beses ng
pinagtaksilan nina
Don Pedro at Don Diego si Don Juan. Una, iginiit nilang sila
ang nakahuli sa Ibong
Adarna. Pangalawa, nang pakawalan nila ang Ibong Adarna na
naging dahilan ng
pag-alis ni Don Juan at panghuli, noong inihulig nila si Don
Juan sa balon sa
pamamagitan ng pagputol ni Don Pedro sa lubid na nakatali
kay Don Juan. Bago
nito, natagpuan ni Don Juan ang magkapatid na prinsesa na
sina Donya Juana at
Donya Leonora. Ngunit pilit na pinakasalan ni Don Diego si
Donya Juana habang
nananatiling naghihintay sa pagbabalik ni Don Juan si Donya
Leonora.
2. Kasukdulan:
Nang maglaon, si Don Juan ay sunod na naglakbay sa Reino De
Los
Cristales, sa tulong ng Ibong Adarna at ng ermitanyo. Dito
niya nakilala si Donya
Maria at ang ama nitong si Haring Salermo. Nagbigay ang hari
ng maraming
pagsubok kay Don Juan at sa huli ng malaman ni Donya Maria
na ibig ipapatay ng
kanyang ama si Don Juan, napilitang silang tumakas.
3. Suliranin
Mga pagtataksil kay Don Juan ng mga kapatid niya at ang
tangkang
pagpatay kay Don Juan ni Haring Salermo.
4. Tunggalian:
Tao vs. Tao
5. Wakas :
Nagpakasal sina Don Pedro at Don Diego kina Donya Juana at
Donya
Leonora at kinoronahan si Don Pedro bilang hari ng Berbanya.
Nagpakasal naman
sina Don Juan at Donya Maria at sila’y bumalik sa kaharian
ng Reino delos Cristal at
doon kinoronahan si Don Juan bilang hari ng naturang
kaharian.